Relationship
Rico Robles and Phoebe Walker are now engaged

Ilang araw bago ang kanyang 45th birthday, nag-propose ang former Pinoy Big Brother housemate and DJ na si Rico Robles sa aktres na si Phoebe Walker.
May pasilip sa Instagram page ng kanilang radio station ang sweet proposal na nangyari noong July 10.
Ipinagdiriwang ngayong Sabado (July 12) ni DJ Rico ang kanyang kaarawan.
Napanood naman noon si Phoebe sa horror film na Seklusyon na dinirehe ni Erik Matti. Kasama rin sa naturang pelikula ang Sparkle hunk na si John Vic De Guzman.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ENGAGEMENT RINGS NG INYONG FAVORITE CELEBRITIES DITO:

























































































