Fast Talk with Boy Abunda
Rio Locsin, napilitan lang noon mag-artista, gumanap ng sexy roles

Isa si Rio Locsin sa mga pinakapremyadong aktres noong '80s. Hanggang ngayon, nanatili pa rin ang aktres bilang isa sa mga hinahangaan sa industriya.
Ngunit pag-amin ni Rio sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 28, hindi naman niya pinangarap maging isang aktres. Sa katunayan, kagustuhan lang ito ng kaniyang ina.
Pero sabi ni Rio, simula noong magkaanak siya at magkaroon ng semi-retirement ng pitong taon, nag-iba ang pananaw niya at sinabing gusto na niyang ipagpatuloy ang pagiging isang aktres.
Alamin ang buong kwento ni Rio sa gallery na ito:









