Rita Avila, ikinuwento ang buhay bilang magulang ng mga manika

Naging emosyonal ang kwentuhan nina Rita Avila at Lloyd Samartino sa programa na Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes (August 30).
Ibinahagi ng dalawang Lilet Matias: Attorney-at-Law stars ang kanilang mga karanasan bilang artista at magulang. Ikinuwento ni Lloyd na "work in progress" pa rin ang kaniyang relasyon sa kaniyang unico hijo na si Sergio Ramos, ang anak niya sa kaniyang yumaong asawa na si Jo Ramos.
Para naman kay Rita, ibinubuhos niya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga manika kasama ang kaniyang asawa na si FM Reyes. Nakilala rin niya ang kaniyang spiritual daughter na si Kate, na naniniwala siyang sila'y "meant to be" sa isa't isa.
Alamin ang buong panayam nina Rita Avila at Lloyd Samartino sa 'Fast Talk with Boy Abunda' sa gallery na ito:









