Pinag-usapan ang ang 30th birthday celebration ni Rita Daniela dahil isang guwapong basketball cager ang spotted sa naturang event.
Maraming fans at netizens ang na-curious sa presence ng model at LPU Pirates player na si Mclaude Guadaña sa birthday celebration ni Rita.
Proud single mom si Rita sa kaniyang anak na si Uno na isinilang niya noong December 22, 2022.
Tingnan ang ilan sa sweet moments nina Rita at McLaude sa gallery na ito:
Tila hindi lang winner sa career si Rita Daniela, na nag-celebrate ng kaniyang 30th birthday niya ngayong September, kundi pati sa love life. May ilang nakapansin kasi na extra sweet sila ng basketball player-model na si Mclaude Guadaña sa kanyang birthday party.
May sweet interaction din sina Rita at Mclaude sa Instagram nang mag-comment si Rita sa isang IG video ng dating Lyceum of the Philippines University (LPU) athlete.
Hirit ng Kapuso singer, “[D]rive thru pwede?” Reply naman ni Mclaude, [P]ass sa drive thru, dine in pag sayo boss.”
Makikita na nakuhanang magkatabi sina Rita at Mclaude.
Malakas ang chemistry nina Rita at Mclaude!
Nakasalamuha rin ni McLaude si Rayver Cruz sa party ni Rita Daniela.
Si Mclaude Guadaña ay fellow Sparkle GMA Artist Center talent ni Rita. Isa ang una sa mga bumida sa "Boys of Summer" campaign ng Sparkle noong 2024.
Kilalang mahusay sa court si Mclaude.
Certified Hottie ring maituturing si Mclaude.
Bukod sa sports, nakilala rin si Mclaude bilang isang model. Minsan na siyang naging model ng isang foreign clothing brand.