Fast Talk with Boy Abunda
Robin at Mariel Padilla, tumagal ang relasyon dahil sa pag-aaway?

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Robin at Mariel Padilla kung paano sila nagtagal ng 15 taon sa kanilang relasyon.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 28, sinabi ni Robin na ang madalas na pag-aaway nila ni Mariel ang dahilan kung bakit nagtagal ang kanilang relasyon.
"Dun lumalalim, e, kasi dun mo nakikita kung gaano mo kamahal. Minsan umaabot du'n sa 'Ayoko na!' Ganun din siya,” pagbabahagi ni Robin.
Saad naman ni Mariel, “pass time” umano ni Robin ang magreklamo at umayaw sa mga bagay-bagay.
"Every time, 'Hindi ko na kaya 'tong ganito! I'm too old for this!' gaganun siya,” ani Mariel.
Alamin pa ang iba pang sikreto ng 15-year-marriage nina Robin at Mariel sa Gallery na ito:









