Rocco Nacino, Kean Cipriano, nagpapagwapo pa rin ba para sa kanilang mga asawa?

Hindi maipagkakaila na maituturing naman talaga bilang “hot dads” ang Bar Boys: After School stars na sina Rocco Nacino at Kean Cipriano dahil sa kanilang tikas at good looks. Pero ang dalawa, tila hindi makapaniwala sa bansag sa kanila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, December 18, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang unang reaksyon nina Rocco at Kean tuwing pinapakilala sila bilang “hot dads.”
Ani Kean, “'Weh?' Ganun.”
Ang reaksyon naman ni Rocco, “I mean, siguro, compliment. Meaning tama 'yung ginagawa namin sa imaging.”
Diretsahan naman tinanong ni Boy ang dalawa, “Is there a deliberate, 'yung sadya talaga na effort, to look good, to look pogi for your wives?”
Alamin ang sagot nina Rocco at Kean sa gallery na ito:









