Rochelle Pangilinan, may isang hiling para sa 'Pulang Araw'

Kabilang sina Rochelle Pangilinan at Ashley Ortega sa star-studded cast ng 'Pulang Araw,' ang itinuturing ngayon na pinakamahalagang serye.
Nitong August 2, bumisita sina Rochelle at Ashley sa studio ng 'Fast Talk with Boy Abunda,' kung saan masaya nilang inilahad ang ilang detalye tungkol sa serye at kanilang mga karakter dito.










