advertisement
TV

Rodjun Cruz, Dasuri Choi, Rayver Cruz share their reasons why they dance

1 of 10

Dance stories

May kaniya-kaniyang kuwento sina Rodjun, Dasuri at Rayver kung papaano sila nagsimula sa pagsasayaw, at kung bakit nila ginagawa ito.

2 of 10

From introvert to extrovert

Pag-amin ni Dasuri, ang pagsasayaw ang nagtulak sa kaniyang maging extrovert mula sa pagiging introvert.

3 of 10

Family bonding

Ito rin umano ang naging bonding nila ng kaniyang pamilya, "Naging mas close kami dahil pabibo-bibo na ako sa harap nila. Dati kasi, parang tahimik lang 'yung family namin. Pero dahil sa 'kin, maingay na."

advertisement
4 of 10

Umiikot ang mundo

Sa sayaw naman umano umiikot ang buhay ni Rayver. Kung ngayon ay kilala siya bilang magaling na aktor, musikero at singer, wala umanong Rayver kung walang pagsasayaw.

5 of 10

Expressionr

Ito rin umano ang paraan ni Rayver para i-express ang emosyon na nararamdaman.

6 of 10

Inspiration

Kwento ni Rodjun, ang ina nila ni Rayver naman ang naging inspirasyon niya para magsayaw. Saad ni Rodjun, "'Yung mom namin, original singer siya ng 747 band and ano 'yan, singer, performer, dancer."

advertisement
7 of 10

Joy

Pagpapatuloy pa ni Rodjun, "Tuwing nakikita ko 'yung mama ko sumayaw, 'yung joy niya, ganu'n pala 'yun, 'pag sumasayaw ka, iba 'yung happiness mo, iba 'yung nagpe-perform ka sa stage, 'yung madaming tao, 'yung napapasaya mo."

8 of 10

Matinik

Samantala, tinanong naman ng batikang host kung gaano katotoo ang sabi-sabi na matitinik umano ang mga dancers sa babae.

9 of 10

Matinik magmahal

Sabi ni Rodjun, baka ang ibig sabihin nila ay matinik magmahal.

advertisement
10 of 10

Hindi ganiyan

Ngunit ayon kay Dasuri, hindi siya matinik. Sa halip, "Malambot, mapuso, loyal."

Around GMA