Roi Vinzon, may love advice sa binatang anak na si Anton

Bilang isang ama na marami na ring pinagdaanan sa pag-ibig, may payo ang batikang aktor at action star na si Roi Vinzon sa anak niyang si Anton Vinzon tungkol dito.
Sa pagbisita ng mag-ama sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 5, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang love life ni Anton. Ngunit dahil hindi makasagot ang young actor, tinanong na lang niya si Roi kung nakailang girlfriend na ba ang kaniyang anak.
Pag-amin ng batikang aktor, “Actually, wala akong alam. Hindi ko pinakikialaman, Boy.”
Sunod na tanong ni Boy ay kung hindi ba nabibigyan ni Roi ng tips ang anak na si Anton tungkol sa pagibig. Dito, sinabi ni Roi na minsan lang niya nabibigyan ng tips ang kaniyang anak.
Tingnan sa gallery na ito kung anu-ano ang mga payo ni Roi kay Anton tungkol sa pag-ibig:









