Roselle Nava at Tina Paner, binalikan ang matamis nilang unang halik

Kilala bilang hugot queens sina Roselle Nava at Tina Paner, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi naging maganda ang kanilang mga love life.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 12, binalikan nila ang kani-kanilang mga love life.
Tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Tina kung naaalala pa niya ang kaniyang unang halik, at kung totoo ba na matamis ito, gaya ng sinasabi ng kaniyang awitin.
Sagot ni Tina, “Siguro. Kasi ng mga panahon na 'yun, sabi daw nila, may gatas pa daw sa labi."
Ayon sa batikang singer, nakuha niya ito sa unang boyfriend niyang si Monching Gutierrez.
Samantala, hindi na maalala ni Roselle ang detalye ng kaniyang first kiss, pero naaalala pa rin naman niya kung sino ito.
"Hindi ko na maalala, Tito Boy. Alam ko kung sino, pero hindi ko maalala 'yung katulad sa kaniya [Tina], very detailed,” sabi ni Roselle.
Nang tanungin siya kung sino ito, sabi ni Roselle, “First boyfriend ko, si Gio Alvarez.”
Alamin ang kwento ng buhay pag-ibig nina Roselle at Tina sa gallery na ito:









