News
Roselle Nava's life outside showbiz

Isa si Roselle Nava sa hinahangaang OPM singers na sumikat noong '90s. Dahil sa pagiging multi-platinum female singer, binansagan siyang "Sentimental Diva."
Ang mga kanta niyang namayagpag noon ay nananatiling kilala at hit kahit sa mga kabataan ngayon. Ilan sa mga ito ay ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" at "Dahil Mahal Na Mahal Kita."
Sa ngayon, hindi na masyadong aktibo sa showbiz ang singer-actress. Base sa kanyang Instagram posts, nag-e-enjoy si Roselle sa kanyang role bilang asawa at mommy.
Narito ang mga larawan ni Roselle bilang asawa, mommy, at isa sa OPM hitmakers.














