Royal Blood: Behind-the-scenes of the intense and trending #RBRoyalScandal

Mainit at mabigat ang mga eksenang nasaksihan kagabi, August 30, sa hit murder mystery series na Royal Blood kung saan nalaman na ni Margaret (Rhian Ramos) ang secret affair nina Beatrice (Lianne Valentin) at Andrew (Dion Ignacio).
Talaga namang dalang-dala ang manonood sa intense na confrontation scenes nina Margaret, Beatrice, at Andrew, matapos na mapanood ng una ang pagtataksil ng dalawa sa mismong party niya bilang bagong CEO ng Royal Motors.
Agad na nag-trend sa Twitter ang hashtag ng episode 53 na "Royal Scandal," maging ang pangalan ni "Rhian Ramos" at ang karakter nitong si "Margaret."
Humataw rin sa ratings ang episode na ito na pumalo sa 11.6 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos mula sa episode 53 ng Royal Blood sa gallery na ito:










