Royce Cabrera and other 'Marupok AF (Where Is The Lie?)' stars attend the opening ceremony of #Cinemalaya2023

Idinaos noong August 4 ang opening ceremony para Cinemalaya Philippine Independent Festival 2023.
Sa pagbubukas ng event na ginanap sa Philippine International Convention Center, opening film ang dark comedy film na Marupok AF (Where Is The Lie?) na idinirehe ni Quark Henares.
Kabilang sa cast ng 89-minute film ay sina EJ Jallorina, Royce Cabrera, at Maris Racal.
Matapos ang opening ceremony, ilang larawan mula sa event ang ibinahagi ni Royce sa Instagram.
Makikita sa naturang post ni Royce ang ilang solo photos niya pati na rin ang ilang group photos nang makasama niya ang kanyang co-stars at mga taong parte rin ng pelikula.
Silipin ang ilang larawan ng cast at production team ng Marupok AF (Where Is The Lie?) sa premiere ng Cinemalaya.





