Royce Cabrera, tinawag na 'one of the best in his generation' pagdating sa aktingan

Nakatanggap ng maraming papuri hindi lang mula sa mga manonood kundi pati na rin sa mga batikang aktor ang ipinakitang husay sa pag-arte ni Royce Cabrera sa Makiling.
Sa April 1 episode ng serye, napanood ang intense acting ni Royce bilang si Ren habang nagmamakaawa siyang humihingi ng tulong sa Pamilya Terra dahil nalaman na ni Amira (Elle Villanueva) ang kaniyang itinatagong sikreto.
Dito ay naka-eksena ng Sparkle talent ang award-winning actors na sina Mon Confiado at Andrea Del Rosario.
Aminado sina Mon at Andrea na napabilib sila sa naging acting performance dito ni Royce na talagang hindi bumitaw sa kaniyang karakter.
Balikan ang naturang eksena at ang mensahe ng mga batikang artista ng Makiling kay Royce sa gallery na ito:







