Rudy Baldwin, may babala para kina Alden Richards at Carla Abellana tungkol sa aksidente

Naglabas ng vision ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin tungkol sa ilang mga sikat na showbiz personalities nang sumalang ito sa Your Honor kahapon, January 24.
Nakapanayam nina Chariz Solomon at Buboy Villar si Rudy Baldwin para alamin ang fearless forecast niya for 2026.
Ayon sa kaniya, dapat mag-ingat ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards pagdating sa water accident.
Lahad ni Madam Rudy sa Your Honor, “Advise ko kay Alden this vision is until 2030, 'yung accident sa water. So, iwasan mo muna 'yung masyadong water activities.”
Dagdag pa niyang paalala, “Kasi I have a client na 'yung vision ko sa kaniya, accident sa 2025 is water. Tapos winarningan ko siya na puwede mangyari sa loob ng bahay, which is nakuryente siya dahil sa tubig… Puwedeng outside, puwedeng inside, so mag-ingat na lang siya by water laman e. The rest of it okay naman, maganda kasi kay Alden 'yung mga angels niya very active, like no matter what happens ginagabayan siya. Kung tipong may mawalang one percent, may bumabalik na 100 percent. Napaka-good heart na person naman kasi, napakadaling lapitin wala kang masasabi dito.”
Source: Your Honor
Pinag-iingat din ni Rudy Baldwin si Carla Abellana na ikinasal sa kaniyang non-showbiz husband na si Dr. Reginald Santos noong December 2025.
Paliwanag niya sa House of Honorables, nakikita niya sa kaniyang vision na prone sa home accident si Carla.
“One more thing, itong 2026 magkaroon siya ng six times na home accident sa loob ng bahay.
“Puwedeng madulas, although 'yung partner niya doktor. Basta alerto na lang sa mga bahay na madulas, conscious ka dun lalo na sa sahig. Kasi, dito ang nakita ko sa kaniya part ng balakang na parang may bumukol in the right side. So, puwedeng bumagsak ka dito.”
Pinayuhan din niya ang aktres na i-monitor ang kaniyang health dahil may nakita siya na posible na harapin heart problem si Carla sa taong 2027.
Nang marinig ni Madam Cha ang forecast ng kanilang resource person, sinabi nito , “Again, ito pong mga visions n'yo na ito puwedeng mangyari at puwede rin hindi mangyari.”
Dito, may pakiusap naman si Rudy Baldwin sa mga celebrity na wala siyang masamang intensyon sa kaniyang predictions at hangad lang niya ay matulungan silang mapigilan kung meron man siyang nakikitang posibleng problema.
“Para sa akin kasi, sa mga artista, ayoko lahat kayo magalit sa akin. ˈWag kayo magalit sa akin, pero maganda lang 'yung may prevention. Sabi nga nila, kung mahal tayo ng Diyos dapat hindi nangyari 'yung mga ganun bagay. Kaya nga tayo mahal ng Diyos, kasi may paalala.”
RELATED CONTENT: Horse Power: Celebrities born in the Year of the Horse









