Rufa Mae Quinto, kapakanan ng anak ang laging iniisip noong nagkakaso

GMA Logo Rufa Mae Quinto
Photos from rufamaequinto (IG)

Photo Inside Page


Photos

Rufa Mae Quinto



Masaya at masigla ang disposisyon ng actress at comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pagbisita niya sa daily afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.

Napag-usapan nila ni Boy ang tungkol sa hinarap na investment scam ng aktres.

Aminado si Rufa Mae na lubos siyang naapektuhan ng kaso na ngayon ay ibinasura ng korte.

Pero bago ito, todo ang stress niya tungkol dito na umabot pa sa puntong hinimatay siya sa kanyang hotel room.


Buti na lang at walang matinding pinasalamang tinamo si Rufa Mae. Bukod dito, lagi rin niyang iniisip ang kanyang anak na si Athena.

"Mula noon, sabi ko, 'di na ako puwedeng mag-emote kasi 'yung anak ko papaano siya? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Baby pa siya, 'di ba? Sabi ko, sa sobrang takot, sa sobrang heavy, puwede mo pala ikamatay," paggunita niya.

Sa ngayon, sa Pilipinas muna mananatili si Rufa Mae at Athena--bagay na malaking adjustment para sa bata.

"Nalulungkot siya. Siyempre, gusto niya makita buong ang pamilya. Ayaw niya umalis ng Amerika. Siyempre, may school na siya doon, doon s'ya lumaki. Parang 'di pa siya ready lumipat sa Philippines pero siguro sa lahat ng pinagdaanan ko, na-feel niya na dito na lang tayo sa Philippines. Na-feel na rin niya na hirap na hirap na siguro ako," paliwanag niya.

Alamin ang iba pang mga bagay na ibinahagi niya sa Fast Talk with Boy Abunda dito.


Rufa Mae Quinto
Daughter
Grateful
Marriage
Respect
Philippines
Project

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers