Rufa Mae Quinto's lawyer: 'Nakipag-ugnayan po kami sa NBI para ma-assist ang pag-voluntary surrender'

GMA Logo Rufa Mae Quinto lawyer statement arrest

Photo Inside Page


Photos

Rufa Mae Quinto lawyer statement arrest



Kaninang umaga, pumutok ang balita na bumalik na sa bansa ang aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto para mag-"voluntary surrender" sa National Bureau of Investigation matapos makalapag ang kanyang eroplano sa NAIA galing sa San Francisco, California, USA.

Ang kanyang "voluntary surrender" ay may kaugnayan sa nauna nang warrant of arrest na inisyu laban sa aktres para sa "14 counts of violation of Section 8 of the Securities Regulation Code" na nagsasaad na "securities such as shares and investments may not be sold in the Philippines without a registration statement duly filed with and approved by the SEC."

Bago pa man ang kanyang pagbabalik sa bansa, nilinaw na rin ng kampo ni Rufa Mae na hindi "large-scale estafa complaint" ang kinakaharap ng aktres. Nananatili rin si Rufa Mae na siya lamang ay "biktima" rin ng gulong kinasasangkutan ng Dermacare-Beyond Skin Care Solutions, ang brand na kanyang inendorso. Nadawit at nakulong rin ang content creator at businesswoman na si Neri Naig, ang asawa ni Chito Miranda noong nakaraang Disyembre para sa parehang issue ng brand.

Matatandaan na noong September 2023, naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng advisory na nagsasabing hindi "authorized" ang Dermacare-Beyond Skin Care Solutions na mag-solicit ng investments dahil sa hindi ito registered and walang itong lisensya para makabenta ng "securities."

Sa parehong advisory, sinabi rin ng SEC na ang "salesmen, brokers, dealers, agents, promoters, influencers, and endorsers of Dermacare" ay maaari ring maireklamo at masampahan ng kaso.

Narito ang statement ni Atty. Mary Louise B. Reyes na natanggap ng GMANetwork.com:

"Bumalik na po si Ms. Rufa Mae Quinto sa Pilipinas. Dumating sya kaninang umaga. Nakipag-ugnayan po kami sa NBI para ma-assist ang pagvoluntary surrender at pagpyansa ni Ms. Quinto.

"S'ya po ay nananatiling tapat sa legal na proseso. Nananawagan at nakikiusap po kami sa publiko at sa mga media, let's avoid rushing to judgment based on inaccurate and incomplete information.

"Sana maintindihan po ng lahat ang kahalagahan ng pag-withhold muna namin ng ibang impormasyon hangga't maging maayos na po ang lahat. Kami po ay naninindigan sa katotohanan. Maraming salamat po."

Ayon kay Boy Abunda sa Jan. 8 episode ng Fast Talk With Boy Abunda, handa ring bayaran ni Rufa Mae Quinto ang piyansang nagkakahalagang P1.7 million.

Bukas ang GMANetwork.com para sa anumang paglilinaw na nais gawin ni Rufa Mae Quinto o ng kanyang kampo.

RELATED CONTENT: Celebrities na minsan na ring nagamit ang pangalan ng scammers:


Sanya Lopez
Scam alert
Warning
Kyline Alcantara
Fraudulent messages
Do not respond
Max Collins
Block the number
Ysabel Ortega
Do not respond or engage
Direk Mark Reyes
Scammer alert

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity