Rufa Mae Quinto mourns husband Trevor Magallanes' death; asks netizens to stop spreading fake news

Pinagluluksa ngayon ni actress-comedienne Rufa Mae Quinto ang pagpanaw ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes.
Kinumpirma ni Ruffa ang malungkot na balita sa kaniyang Instagram account kung saan humiling ang komedyante na bigyan sila ng oras para iproseso ang nangyari, lalo na ng kanilang anak na si Athena.
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened. So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death,” sabi ni Rufa.
Ibinahagi rin ni Rufa na pupunta sila ng anak sa US at nakiusap sa netizens na mag-antay ng official announcement tungkol sa dahilan ng pagpanaw ni Trevor.
Pinaalalahanan din niya ang netizens na antayin lang ang announcement mula sa kaniya at sa pamilya ni Trevor at hindi mula sa ibang sources.
“Thank [you] very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial. Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli, Mahal kita Trev,” pagtatapos ni Rufa ng kaniyang post.
SAMANTALA, BALIKAN ANG TIMELINE NG RELASYON NINA RUFA AT TREVOR SA GALLERY NA ITO:













