advertisement
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto on late husband's Trevor Magallanes: 'Mag-asawa pa rin kami'

1 of 14

Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes

Ibinalita ni Trevor Magallanes na nasa proseso na ng divorce ang kasal nila ni Rufa Mae Quinto.

2 of 14

Engaged

Ang celebrity couple na sina Rufa Mae at Trevor ay napabalitang engaged noong February 2016.

3 of 14

Wedding

Ikinasal si Rufa Mae sa kaniyang non-showbiz partner na si Trevor noong November 2016.

advertisement
4 of 14

Birth of Athena

Pagdating ng February 2017 ay ipinanganak ni Rufa Mae si Alexandria Athena o Athena. Si Athena ay ang nag-iisang anak nina Rufa Mae at Trevor.

5 of 14

Married life

Saksi ang fans at netizens sa magandang samahan nina Rufa Mae at Trevor.

6 of 14

Celebration

Ibinabahagi ni Rufa Mae sa kaniyang Instagram account ang milestones at celebrations ng kanilang pamilya.

advertisement
7 of 14

Events

Sa mga importanteng events ng kanilang anak ay magkasama ang mag-asawang sina Trevor at Rufa Mae.

8 of 14

Amerika

Nanirahan si Rufa Mae, Trevor, at Athena sa Amerika.

9 of 14

Work

Naging abala man si Rufa Mae at Trevor sa kani-kanilang mga trabaho at pagiging magulang kay Athena, ipinakita nila sa Instagram posts na mayroon pa rin silang date night na mag-asawa.

advertisement
10 of 14

Showbiz

Nananatili pa ring visible sa showbiz si Rufa Mae. Tampok pa rin si Rufa Mae sa iba't ibang programa at live events sa Pilipinas at sa ibang bansa.

11 of 14

Scam issue

Kamakailan ay nadawit ang pangalan ni Rufa Mae sa isang scam issue. Nilinaw naman ni Rufa Mae na biktima siya rito. Nakipag-cooperate si Rufa Mae para linawin ang issue at linisin ang kaniyang pangalan.

12 of 14

Posts

Ikinagulat ng netizens na naka-follow sa account ni Trevor nang maglabas ito ng screenshots ng usapan ni Rufa Mae at hindi ipinakilalang indibidwal. Nag-post din si Trevor ng kaniyang reaksyon sa scam issue na kinasangkutan umano ni Rufa Mae.

advertisement
13 of 14

Rumors

Nang umuwi ng Pilipinas si Rufa Mae, kasama ang anak na si Athena, naing maingay ang espekulasyong naghiwalay na sina Rufa Mae at Trevor. Ngunit nanatiling tahimik si Rufa Mae sa usaping ito.

14 of 14

Divorce

Ngayong Disyembre 2024, inihayag na ni Trevor na hiwalay na sila ni Rufa Mae. Ayon sa Instagram post ni Trevor ay inaasikaso na nila ang kanilang divorce.

Around GMA