Ruffa at Raymond Gutierrez, nagluluksa sa pagpanaw ng sister-in-law nilang si Alexa Gutierrez

Nagluluksa ngayon ang aktres na si Ruffa Gutierrez, kasama ang kaniyang pamilya, dahil sa pagpanaw ng kaniyang sister-in-law na si Alexandra Joelle "Alexa" Uichico Gutierrez. Pumanaw siya noong Sabado, July 27, matapos ang kaniyang laban sa sakit na leukemia.
Unang inanunsyo ng pamilya ni Alexa ang kaniyang pagpanaw noong Linggo, July 28, sa kanilang social media accounts.
Sa hiwalay na post, sabi ni Ruffa, “I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It's so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am. I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again… ”
Sa hiwalay na post, inalala naman ng nakababatang kapatid ni Ruffa na si Raymond ang kanilang hipag.
Ani Raymond, "You will forever be in our hearts @alexaugutz," kalakip ang white heart emoji.
Ikinasal si Alexa sa kapatid ni Ruffa at Raymond na si Elvis noong 2015 at nabiyayaan ng dalawang anak na babae.
Samantala, nag-post rin sa kaniyang Instagram si Elvis Gutierrez ng photo nila ni Alexa na may white heart emoji bilang caption.
Ilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, fans, at netizens din ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya nina Ruffa at Elvis. Kabilang na sina Maxene Magalona, ang asawa ni Maricel Laxa na si Anthony Pangilinan, at aktres na si Bela Padilla.
“Sending you my most sincere condolences @life.of.guti ” comment ni Maxene sa post ni Elvis.
Sulat naman ni Anthony, “From me and @mommymaricel and the kids, our sincerest condolences. May the God of peace and comfort be with you like you've never experienced Him before ”
“Elvis! Sending my deepest condolences Alexa was such a lovely and kind person ” sabi ni Bela.
Nagkomento rin ang anak ni Ruffa na si Lorin sa post ng kaniyang tito. Sinabi niyang “the most beautiful love I have ever seen” ang relationship nila Elvis at Alexa.
Sabi pa ni Lorin sa isa pang comment, “I love you both so much.”
Nakaburol ngayon si Alexa sa Capilla De La Virgen sa Santuario De San Antonio sa Forbes Park, Mckinley Road, Makati. Ibinahagi rin ni Ruffa ang schedule ng pagbisita at inurnment.
Samantala, narito ang ilang pang celebrities at ang kanilang pag-alala sa mga pumanaw na mahal nila sa buhay:
























