Drag Race star Jiggly Caliente loses 'most of her right leg' due to severe infection

Unti-unti nang nagpapagaling ang 'RuPaul's Drag Race' judge na si Jiggly Caliente, o si Bianca Castro sa totoong buhay, matapos pagdaanan ang isang “serious health setback."
Nag-post ang pamilya ni Jiggly sa mismong Instagram page ng drag performer at judge ng isang pahayag ukol sa pinagdaanan nitong health condition.
“Over the last month, Bianca has experienced a serious health setback. Due to a severe infection, she was hospitalized and, as a result, has undergone the loss of most of her right leg,” saad ng pahayag.
Dahil dito, sinabi ng pamilya ni Jiggly na hindi muna ito makakasama sa upcoming season ng 'RuPaul's Drag Race' kung saan isa siya sa mga residenteng hurado ng naturang kompetisyon.
Dagdag pa nila ay hindi rin makakasama sa public engagements ang naturang drag star dahil magiging extensive umano ang kaniyang recovery.
“At this time, we kindly ask for privacy for Bianca and her family as they navigate this difficult journey together,” saad ng kanilang statement.
Pagpapatuloy nito, “While Jiggly concentrates on healing, we invite her friends, fans, and community to uplift her with messages of hope and love on her social media channels.”
Tingnan ang post ng pamilya ni Jiggly dito:
Ilang celebrities naman ang nagpahayag ng kanilang suporta at well-wishes para kay Jiggly, kabilang na ang kapwa niya drag performers na sina Eva Le Queen at Manila Luzon. Nagpadala rin ng mga mensahe ng suporta ang mga Beauty Queen na sina Pia Wurtzbach at, R'Bonney Nola; at ang mga aktres na sina Nadine Lustre, Lea Salonga, at KaladKaren.
“Saying prayers for you! I'm so sorry you're going through this,” sulat ni Lea.
“Love you ate! You will always have a home in 🇵🇭. Sending prayers of light and healing your way 🙏✨,” sabi naman ni Eva.
Mensahe naman sa kaniya ni Marina, “Love you ate 🤍 Sending all love to you and your family! We are here for youuu!”
RELATED CONTENT: Check out the gallery below to see the Filipino drag queens that made headlines in 2024:











