Ruru Madrid, binalikan ang 2025 milestones; handa na sa 2026

Isa ang 2025 sa pinaka "meaningful" na taon para kay Ruru Madrid.
Sa kanyang New Year post sa Instagram, ibinahagi ni Kapuso Primetime Action Hero na marami siyang natutunan sa nagdaang taon.
"Yesterday wasn't my best year, but it was one of my most meaningful. I learned a lot—no doubt about that," sulat ng aktor.
Ayon kay Ruru, hindi man niya nakuha ang "outcome" na ninanais niya, pero naniniwala siya na ang lahat ay parte ng mas malaking plano para sa kanya ng Diyos.
"It felt like preparation. Preparation for something bigger. Even if I don't fully see it yet, I feel it—nararamdaman ko."
Para kay Ruru, mas handa na siya ngayong harapin ang kahit na anong darating: "Not because I have everything figured out, kundi dahil buo na ang loob ko.
"I don't need to prove anything to anyone. As long as my intentions are clear, and everything I do is for the good of others—and always through God."
Binati rin niya ang lahat ng "Happy New Year."
"Forever grateful for every day—especially for surviving yesterday."
Sa kanyang post, binalikan din ni Ruru ang ilang accomplishments noong 2025. Tingnan sa gallery na ito:









