Ruru Madrid, engrande ang entrance sa 'Black Rider' media conference

Engrande ang naging entrance ni Primetime Action Hero Ruru Madrid sa media conference ng upcoming full action series na 'Black Rider.'
Dahil tungkol sa mga delivery riders ang serye, dumating si Ruru nang nakasakay sa motor na pinaandar niya hanggang makarating sa stage.
Bukod kay Ruru, dumalo rin sa media conference ang co-stars niyang sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, Jon Lucas at marami pang iba.
Silipin ang mga artistang bigatin sa action at bigatin din sa drama sa media conference ng upcoming full action series na 'Black Rider.'
Aarangkada na ang 'Black Rider' sa world premiere nito sa November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood ang simulcast nito sa GMA, GTV at maging online sa Kapuso Stream.





























