Ruru Madrid, ipinasilip ang mga huling araw ng taping ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

GMA Logo Lolong: Pangil ng Maynila
Source: rurumadrid8 (IG)

Photo Inside Page


Photos

Lolong: Pangil ng Maynila



Puspusan ang taping ng action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila para sa huling mga episode nito.

Ipinasilip ng bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid ang huling mga raraw ng taping ng kanilang serye.

Nagpapasalamat si Ruru dahil bukod sa magandang trabaho, nakahanap din siya ng mga lifelong friends sa kaniyang mga co-stars.

"Behind the scenes. Behind the action. Real moments with the OG Lolong fam--puno ng puso, tawanan, at pagod na may kabuluhan.

"Huling mga araw na ng Lolong taping, pero ang samahang 'to--tatatak habangbuhay.

"Mula Season 1 hanggang ngayon, patuloy tayong lumalaban. [crocodile emoji]

"Grateful to have lived this journey with all of you. Let's finish strong," sulat niya sa Instagram.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang huling mga araw ng taping dito:


Ruru Madrid
Worth it
Injuries
Friends
Jean Garcia
Salu salo
Lolong: Pangil ng Maynila

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays