Events
Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Pepita Curtis enjoy the Sparkle World Tour 2025 in Toronto, Canada

Puno ng pasasalamat ang Sparkle artists na sina Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, at Pepita Curtis sa unang bahagi ng Sparkle World Tour 2025.
Ginanap noong August 16 and 17 sa Toronto, Canada ang unang Sparkle World Tour 2025 in partnership with Taste of Manila. Sa darating na August 29 to September 1 naman gaganapin ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagsi-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.
Ipinakita ng Sparkle at ng Sparkle artists ang kanilang naging experience sa Toronto, Canada kasama ang mga global Pinoy. Alamin ang mga naganap sa Sparkle World Tour 2025.









