Ruru Madrid, magbabalik sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

Magbabalik na sa primetime ang 2022's most watched TV show, ang action-adventure series na Lolong.
Bagong kuwento at bagong mga karakter ang hatid sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan.
Magbabalik din sa serye si primetime action hero Ruru Madrid na muling gaganap bilang ang bidang si Lolong, isang lalaking may natatanging koneksiyon sa higanteng buwaya na si Dakila.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay nasa ilalim ng direksiyon nina King Mark Baco at Rommel Penesa.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, malapit na sa GMA Prime.
Samantala, kilalanin ang mga artistang magiging bahagi ng cast ng Lolong: Bayani ng Bayan dito:






