News

Ruru Madrid, sinalubong ng mga biyaya pag-uwi mula Canada

GMA Logo Ruru Madrid

Photo Inside Page


Photos

Ruru Madrid



Iba't ibang blessings ang sumalubong kay primetime action hero Ruru Madrid pagbalik niya sa Pilipinas.

Matatandaang halos isang buwan nanatili si Ruru sa Canada para sa 2025 Sparkle World Tour kasama ang mga kapwa Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Aiai delas Alas.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/ruru-madrid-enjoys-day-out-in-canada/125277/


Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ruru ang ilang kuha niya mula sa kanyang stay doon, pati na ang mga bagay na pinagkaabalahan niya sa kanyang pag-uwi.



"Life is good. Ang sarap mabuhay. At napakabuti ng Ama--dahil alam ko na lagi ko Siyang kasama.

"My last day in Canada ended with a sunset in Vancouver, at naalala ko 'yung mga panahon na pinapangarap ko pa lang makapunta sa ibang bansa," panimula ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Masaya din daw siya na muling makapiling ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso na si Bianca Umali.

"Pagbalik ko sa Pilipinas, sinalubong ako ni Bianca with my favorite matcha na siya mismo ang nagtimpla. ," kuwento niya.

Bukod dito, ilang pagkilala din ang sumalubong kay Ruru.

"Kasunod nito, mga karangalang sobra kong ipinagpapasalamat--being recognized by Tatler as one of Asia's Most Stylish, reuniting with my Running Man family, and being nominated for Best Actor at the Gawad Urian," pagpapatuloy niya.
https://www.gmanetwork.com/lifestyle/fashion-beauty/125620/kapuso-personalities-part-of-tatlers-asias-most-stylish-2025/story

Nagsisilbing inspirasyon at motivation ang mga blessings na ito para sa aktor.

"These moments remind me: lahat ng pinagdadaanan, lahat ng disiplina, at lahat ng panalangin--may magandang kapalit. Laging manaig ang pananampalataya, keep pushing, and never stop believing in God's timing. ," sulat niya.

"At sa mga panahon na malungkot tayo o may pinagdadaanan, hanapin pa rin natin ang mga bagay na pwede nating ipagpasalamat--kahit maliit lang 'yan. Doon natin tunay na mararamdaman ang biyaya. ," pagtatapos ng kanyang post.


Ruru Madrid
Co-star
Sunset
Matcha
Workout
Gawad Urian
Stylish
Running Man
Dinner
Blessings

Around GMA

Around GMA

Teens found vintage bomb in Davao City
Valenzuela task force organized to probe case of dog with tongue cut off
Bataan serves suman and dinuguan for Christmas