News

Ryan Bang confirms breakup with Paola Huyong: 'I never cheat'

GMA Logo Ryan Bang, Paola Huyong
Source: ryanbang/IG

Photo Inside Page


Photos

Ryan Bang, Paola Huyong



Kinumpirma na ni It's Showtime host Ryan Bang ang hiwalayan nila ng fiancée na si Paola Huyong.

Sa latest vlog ng kaniyang kapwa host na si Vice Ganda, inamin ni Ryan na single siya ngayon at ibinahagi ang kuwento ng hiwalayan nila ni Paola.

“Tinry ko eh, tinry ko na ayusin. Kasi alam ko, nung panahon na 'yon, hindi ko maintindihan, ba't 'di umabot nang ganito,” sabi ni Ryan.

Pagpapatuloy pa ng It's Showtime host, sinubukan at umaasa siyang maayos ang kanilang relasyon. Sa katunayan, inakala niyang maaayos pa nila ito.

“S'yempre sa relationship, meron din akong kasalanan pero I never cheat. Hindi totoo 'yun, 'yung sinasabi ng mga tao,” sabi ni Ryan.

Aminado si Ryan na may mga naging pagkukulang at pagkakamali rin siya sa kanilang relasyon. Ngunit nilinaw ng host na kahit kailan ay hindi siya nag-cheat kay Paola.

Ngunit sa huli, ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang pagkakaiba ng kanilang mga kultura.

“Magkaiba pala 'yung paniniwala, magkaiba pala 'yung gawi, tsaka magkaiba pala thinking lalo na pagdating sa marriage,” sabi ni Ryan.

Pagkatapos makausap ang kani-kanilang pamilya, napagdesisyunan umano ni Ryan na magpaubaya na. “Talagang tigil ang mundo. Sobrang hirap. Sobrang pagsisisi ng lahat.”

Ngunit sa kabila nito, grateful pa rin umano si Ryan sa pamilya ni Paola dahil sobrang bait umano ng mga ito kahit ngayong hiwalay na sila.

Unang ibinahagi nina Ryan at Paola ang kanilang relasyon noong 2023 at tinawag niya itong kaniyang “The One” at “My one and only Filipina.” June 2024 naman nang ianunsyo nila ang kanilang engagement.

Nagsimula ang mga haka-haka ng hiwalayan ng dalawa noong nakaraang taon nang mapansin ng fans na in-unfollow nila ang isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Samantala, alamin pa ang ilang celebrities na umamin sa kanilang hiwalayan sa gallery na ito:


Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah's statement
Bea Alonzo and Dominic Roque
Joint statement
Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
Grateful
Catriona Gray and Sam Milby
Facing challenges
Maris Racal and Rico Blanco
Maris's statement
Jericho Rosales and Kim Jones
History
Sue Ramirez and Javi Benitez
Javi's Statement
Aiai delas Alas and Gerald Sibayan
History

Around GMA

Around GMA

Sandara Park to release new project 'Reprism' this June
Sandara Park appointed promotional ambassador for the Overseas Korean Affairs Office
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste