Tuloy pa rin ang usapan ng fans tungkol sa nagdaang square off ng ilang hinahangaang K-pop stars at Pinoy artists sa Bench: Shoot of Asia exhibition game!
Noong Linggo (October 26) sa Mall of Asia Arena, nagtagisan sa court ang The Rising Eagles (Korean team mula sa isang sports reality show ng SBS) at ang Kuys Showtime para sa isang basketball show-off.
Mula sa opening hanggang sa huling quarter, nasaksihan ng fans ang iba't ibang moments ng kanilang mga paboritong stars.
Isa sa mga naging headline ng gabi ay ang It's Showtime oppa na si Ryan Bang! Mapa-teammate man o kapwa Koreano, walang pinalampas si Ryan sa kanyang kakulitan. Kaya't maraming netizens ang pinag-usapan kaagad ang kanyang iconic moments sa court.
Tingnan ang reaksyon ng ilang netizens sa gallery na ito:
Isa sa mga kinaaaliwan at pinag-usapan ng fans sa Bench: Shoot of Asia exhibition game ay ang It's Showtime oppa na si Ryan Bang.
Kaagad pinag-usapan ng fans ang pagbabantay ni Ryan Bang kay K-pop superstar Minho ng SHINee.
Marami nakapansin kung gaano ka "clingy" si Ryan Bang kay SHINee's Minho. Kahit saan kasi pumunta ang K-pop star, binabantayan at sinusunod ng It's Showtime host ito.
Hindi mapigilan ng ilang fans tumawa nang tila nagtago pa si Ryan Bang sa likod ni Choi Min-ho.
Ang kanyang Kuys Showtime teammates, hindi rin nakaligtas sa kulit ni Ryan Bang sa court. Nang pinasa ni Jhong Hilario ang bola, kaagad pinasa ulit ni Ryan ito pabalik. Marami ang natawa nang patuloy nagpapasahan ng bola ang dalawa hanggang sa tinangkang mag 3-point shoot si Ryan.
Bago pa mag-agawan ng bola, pinakita muna ni Ryan Bang ang kanyang galing sa push-up!
"Laro!" Ito ang sigaw ng karamihan ng fans sa kulit ni Ryan Bang. Kailangan pang kunin siya ng kanyang teammates para maayos ang kanilang laro.
Nang tanungin kung ano ang role niya sa basketball team, may nakakatawang sagot si Ryan Bang. Ayon sa kanya, siya raw ang “spy” ng Kuys Showtime sa sinasabi ng coach ng Korean team.
Ang isa pang goal ni Ryan Bang kaya siya sumali sa game ay makapag-picture at mayakap si NCT's Johnny.
Sa huli, natupad ni Ryan Bang ang kanyang hiling na mayakap si NCT's Johnny.