Ryza Cenon, papayag kung may pagkakataong magbalik-GMA

Hindi maitago ni Ryza Cenon ang kaniyang saya sa pagbabalik niya sa GMA Network para bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda. Halos pitong taon na ang nakaraan nang huli siyang nakatapak sa loob ng network.
“Kinakabahan at excited po kasi, siyempre, lahat po sila nakasama ko, from 'StarStruck.' 'Tapos, yung mga guard, pagpasok ko, kilala pa rin ako. Nakakatuwa po na mainit pa rin po 'yung pagtanggap nila sa 'kin kahit ang tagal ko na pong hindi nagpupunta dito,” sabi ni Ryza.
Sa pagbisita niya sa naturang GMA Afternoon Prime talk show nitong Lunes, July 14, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang best memory niya sa GMA Network. Tinanong rin siya ng batikang host kung bakit siya umalis, at kung handa ba siyang bumalik at gumawa muli ng proyekto sa GMA Network.
Alamin ang sagot ni Ryza sa gallery na ito:









