Sam Pinto, nakipag-date noon kay Alden Richards?

Bago pa man sumikat ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na-link din noon si Alden sa tinaguriang “crush ng bayan” at sexy actress na si Sam Pinto taong 2015.
Sa pagbabalik showbiz ni Sam, glowing and excited siya na sumalang sa isang interview kasama ang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda.
Dito ay tinanong ni Boy si Sam kung totoo ba na nag-date sila noon ni Alden at agad naman itong nilinaw ng aktres. Aniya, “We actually did but it was for a promo for the movie that we did.”
Ayon kay Sam, promo lamang ang naging date nila noon ni Alden at tingin niya ay masyado pang bata ang aktor.
“Totoo ba na you found him too young?” tanong ni Boy kay Sam.
“Yes. Masyado siyang bagets but my husband is two years younger than me,” birong sagot naman ni Sam.
Paglilinaw naman ni Sam, kahit hindi nila itinuring na “real” date ang ginawa nila noon ni Alden, aminado siyang isang masayang experience ito.
Aniya, “It was a nice date though. It was on a yacht, masaya.”
Pagbahahagi pa ng aktres, hindi na sila nagkakausap ni Alden ngayon, pero tiyak na magkukumustahan sila kapag sila ay muling magkita.
“We don't talk anymore but we're civil, ever since he was the sweetest naman kasi,” ani Sam.
Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon si Sam sa top-rated afternoon prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG JAW-DROPPING BIKINI PHOTOS NI SAM PINTO SA GALLERY NA ITO:



















