Sam Pinto talks about her married life with husband Anthony Semerad

Masayang nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang aktres at celebrity mom na si Sam Pinto sa Tuesday (May 23) episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang married life ni Sam at ng kanyang asawa na si PBA star Anthony Semerad, pati ang buhay ng aktres bilang isang ina sa kanilang anak na si Mia Aya.
Ibinahagi rin ni Sam na very supportive ang asawa niya tungkol sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Kasalukuyang napapanood si Sam sa top-rating GMA afternoon drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Balikan ang naging panayam ni Sam Pinto sa 'Fast Talk with Boy Abunda' sa gallery na ito.









