Sam Verzosa reunites with 'Battle of the Brains' host David Celdran

Hindi inaasahan ng batikang host na si David Celdran ang sorpresang inihanda ni Sam Verzosa sa ginanap na “Driven to Heal” charity event kamakailan.
Bukod sa kasi sa pagho-host ng naturang event, isang reunion ito para sa kanya at kay Sam, na una niyang nakasama noon sa sikat na quiz show, ang Battle of the Brains, 25 years na ang nakakaraan.
“Paborito natin 'yan, mga batang '90s,” pag-alala ni Sam sa programa ni David.
“Every time I watched that show, sinasabi ko, 'Sana mapunta ako diyan. Actually, I imagined myself inside that show. Then, one day, na-invite ako ng teacher ko para mag-represent nung school namin. Nagulat ako kasi I wasn't part of the top section… Hindi pa ako ganun katalino noon. Hindi ko nga alam kung bakit ako napili.”
Patuloy pa niya, “This was actually my first TV appearance, on your show. Nagdadasal ako araw-araw na sana mapunta ako diyan. Noong napili ako, araw-araw talagang nag-pray ako sa church kasi sabi ko, 'Lord, sana huwag akong mapahiya.' Kasi, nakapanood na ako ng show niya, may mga hindi nakakasagot kahit isa. Sabi ko, 'Lord, kahit isa lang makasagot ako.'”
Sa kabutihang palad, umabot hanggang grand finals si Sam at kanyang teammate, na kasama niyang nag-represent noon sa Angelicum College.
Ayon kay Sam, dahil sa programa, “Nagbago rin ang buhay ko kasi diyan ako kumita ng pera. I gained confidence from that show.”
Sa hiwalay na panayam, ikinuwento niya kung saan niya ginamit ang kanyang mga napanalunan.
“Una, PhP6,000, naging PhP 12,000, PhP 18,000 hanggang grand finals, naging PhP50,000. 'Tapos, yun ang pinambibili ko ng mga damit ko noon. Bago ako nag-college, doon ko nakuha yung konting ipon ko sa pag-aaral din,” aniya.
Dahil sa programa, na-realize din ni Sam nang maaga na, “Para sa akin, kung galing ka sa hirap, galing ka sa wala, edukasyon ang pinakakailangan para maiahon natin ang mga sarili natin. Sabi nga, 'Education is the greatest equalizer. Siyempre, kasama na ang panalangin sa taas, diskarte, at tuloy-tuloy na sipag at tiyaga.”
Samantala, tingnan ang hitsura ng ibang celebrities noong kabataan nila rito:

























