Mapapanood na ang mahuhusay na mga aktor at aktres ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sa darating na April 19.
Bago mapanood sa mga sinehan ang 'Samahan Ng Mga Makasalanan,' nagkuwento muna ang cast nito tungkol sa kanilang inihandang satirical comedy film sa ginanap na media conference nitong March 27 sa SEDA.
Pinangunahan ito nina David Licauco, Sanya Lopez, at Joel Torre. Kabilang din sina Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, David Shouder, Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Yian Gabriel, at Batmanunulat.
Balikan ang mga naganap sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' media conference dito:
Isang masayang hapon ang inihanda ng GMA Pictures para sa media conference ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan'noong Huwebes, March 27.
Nagsama-sama ang cast ng satirical comedy film na 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sa SEDA Hotel para ibahagi ang kuwento ng kanilang pelikula.
Nangunguna sa mga dumalo ang gaganap na Reverend Sam na si David Licauco.
Kasama rin sa media conference ang "Mila" ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' na si Sanya Lopez.
Excited na nagbahagi si Joel Torre ang tungkol sa kanilang inihandang pelikula sa April 19. Mapapanood naman siya bilang Father Danny sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'
Nagbigay-saya bilang hosts sa media conference ng Samahan Ng Mga Makasalanan sina Betong Sumaya at Chariz Solomon. Sila ay bahagi rin ng pelikula, kung saan si Betong ay gaganap bilang Mayor Damonyo at Tonyong Scammer; habang si Chariz ay mapapanood bilang Tin Chismosa.
Isa pang David ang ipinakilala ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan.' Abangan ang karakter na gagampanan ni David Shouder na Pester.
Mapapanood ang pagganap nina Soliman Cruz at Jun Sabayton sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sa karakter na Boss Luis at Boss Taya.
Abangan si Liezel Lopez sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' bilang Cindy.
Si Jade Tecson naman ay mapapanood sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' bilang Wendy.
Magkasamang pinalakpakan sa stage sa media conference ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sina Chanty Videla at Liana Mae, na gaganap bilang sina Amy at Girlie.
Mapapanood naman sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' si Buboy Villar bilang Boy Nakaw.
Abangan naman si Jay Ortega sa kaniyang pagganap bilang Junior the Chop2x Boy.
Kabilang din sina Batmanunulat, Shernan Gaite, at Yian Gabriel sa mga magbibigay saya sa pelikulang 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'
Ang 'Samahan Ng Mga Makasalanan' ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Benedict Mique.
Bahagi ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' media conference sina GMA Senior Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon at GMA Senior Vice President and GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes.
Nakasama rin si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Bukod sa pagiging co-producer ng pelikula ay ipinakita rin siya sa official trailer ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'