Sang'gre Amihan at Adamus, kinalaban ang mga zombie

Tila panibagong laban ang hinarap ng mga Sang'gre sa araw na puno ng katatakutan at kababalaghan!
Ngunit ibang bersyon yata ng mga diwata ang dumalaw muna sa mundo ng mga tao.
Sa Halloween party ng Unang Hirit, ikinatuwa ng viewers ang pagpasok nina Susan Enriquez at Ivan Mayrina bilang Team Sang'gre!
Mula sa costume hanggang sa fighting pose, gamay na gamay ng dalawang UH hosts ang pagiging bagong bersyon nina Sang'gre Amihan at Adamus.
"Avisala, ako si Sang'gre Amihan at hawak ko ang Brilyante ng Hangin," wika ni Susan."Sinadya ko pumunta sa mundo ng mga tao mula sa Encantadia para ideklara ang pagsisimula ng Amihan season!"
Hindi rin nagpahuli si Ivan sa kanyang witty intro, "Ako si Sang'gre Adamus, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Naglakbay ako sa buong Pilipinas at nakita ko ang daming palpak na flood control projects. Kaya naman inuutusan ko ang Brilyante ng Tubig na wakasan na ang baha sa Piipinas."
Maya-maya pa, kinalaban ng dalawang “Sang'gre” ang mga zombie sa studio. Game na game pa si Susan sa kanyang sword fight na may kasamang sound effects pa!
"Kitang-kita n'yo po ang nangyaring fish kill sa Pasig River," biro ni Arnold Clavio. "Mukha kayong galunggong, a."
Bukod sa Team Sang'gre, agaw-pansin din ang iba pang UH hosts sa kani-kanilang creative costumes. Nagbihis manananggal at kapre sina Shaira Diaz at Anjo Pertierra, habang Taylor Swift at Freddie Mercury naman sina Lyn Ching at Kaloy Tingcungco.
Related gallery: Balikan ang halloween costumes ng ibang celebrities, dito:
Samantala, mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Tingnan ang mga nakakatakot at nakakaaliw na costumes ng Unang Hirit barkada, dito:






