Encantadia Chronicles: Sang'gre
Sang'gre BTS photos: Elias J. TV on his first taping day

Kinabahan man sa kanyang unang acting stint sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, pero naging palaban sa aktingan ang pride ng North Cotabato at social media personality na si Elias J. TV.
Noong Lunes (March 30), napanood siya bilang Elias, mula sa mundo ng mga tao na ginawang alipin ng isang Encantado. Binili ni Daron ang kanyang kalayaan.
Ayon kay Elias, pinaghandaan niya ang kanyang facial expression at ang pagsasalita.
"Ang pinaghandaan ko lang is kung paano ma-express 'yung mukha, kung paano magsalita. Kasi katulad ko first time pa lang, hindi pa talaga masyadong magaling. Pero, kinakaya rin naman," sabi niya.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ni Elias J. TV sa kanyang first taping day sa Sang'gre sa gallery na ito:






