'Sang'gre' cast, nakisaya sa 'The Sang'gre Experience'

Hindi napigilang humiyaw sa tuwa at kilig ng fans nang nakasama nila ang ilan sa cast ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Ginanap noong Linggo (July 20) ang kaabang-abang na The Sang'gre Experience sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City.
Maliban sa pagbisita sa mga kaharian ng Encantadia, nakasama pa ng fans ang mga minamahal na stars ng GMA superserye tulad nina Gabby Eigenmann, Bianca Manalo, Jon Lucas, Kiel at Vito Gueco, Shuvee Etrata, at Luis Hontiveros.
Lumakas din ang hiyawan nang masilayan nila ang Kera ng Mine-a-ve na si Mitena, na ginagampanan ni Rhian Ramos, at ang Hara ng Lireo na si Cassandra, na ginampanan ni Michelle Dee.
Syempre, hindi mawawala ang new-gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali kasama si Nunong Imaw!
Tingnan ang mga naganap sa 'The Sang'gre Experience' sa gallery na ito:




















