'Sang'gre' viewers, na-excite sa pagdating ni Terra sa Encantadia; mga aabangang eksena, silipin

Excited na ang Sang'gre viewers sa mga susunod na mangyayari ngayong nasa Encantadia na si Terra (Bianca Umali).
Marami na ang nag-aabang sa muling paghaharap nina Pirena (Glaiza De Castro) at Mitena (Rhian Ramos) sa Lireo, at ang nalalapit na pagkikita ng bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Terra, Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva), at Deia (Angel Guardian).
Seated so much for TenaRena Round 3 ❄️🔥#Sanggre pic.twitter.com/2EZN8an5aA
-- RaStro Rebels New Gen (@rastronewgen) September 6, 2025
Encantadia is SO back 💚❤💙🤎 #Sanggre https://t.co/Xjf2YZScdF
-- ako si Katya, yowz! 🧀🥨 (@It_IsMyKate) September 6, 2025
Bukod dito, gusto na rin malaman ng netizens kung ano nga ba ang mangyayari sa karakter ni Deia at kung paano siya magiging tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Deia's story is starting to unfold. I'm excited to see her hold the air gem and her interaction with Amihan in Devas
-- Jomarie Sauquillo (@ItsMeGrayKnight) September 6, 2025
💨💙
Malapit ng makumpleto ang next gen Sanggre's #AngelGuardian #Sanggre #Encantadia pic.twitter.com/w1eURjmgIq
Dumagdag sa excitement ng manonood nang ilabas na ng Sang'gre ang ilang pasilip sa mga aabangang eksena ngayong linggo sa hit telefantasya. Tingnan sa gallery na ito:









