Sanya Lopez at Bianca Umali, nagbalik-tanaw sa mga pinagdaanan bago maging prime stars

Nakasama ng King of Talk na si Boy Abunda na mag-celebrate ng kanyang kaarawan sina Sanya Lopez at Bianca sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 29.
Sa pagsisimula ng kuwentuhan, nagpasalamat sina Sanya at Bianca sa papuri sa kanila ni Boy Abunda, na tumawag sa kanila bilang prime stars ng GMA.









