Fast Talk with Boy Abunda

Sanya Lopez, Jane Oineza, iba pang 'Midnight Girls' cast, nagkaroon ng instant connection

GMA Logo Sanya Lopez, Jane Oineza
Source: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Sanya Lopez, Jane Oineza



Naiiba ang upcoming movie na Midnight Girls dahil pagbibidahan ito ng Kapuso star na si Sanya Lopez, Kapamilya stars na sina Jane Oineza, Jodi Sta. Maria, at Loisa Andalio. Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho ang apat na aktres.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 13, sinabi nina Sanya at Jane na hindi naman talaga sila magkakakilala bago gawin ang pelikula. Sa katunayan, ang paggawa na nila ng pelikula ang naging daan para makilala nila ang isa't isa.

Ngunit pagbabahagi ni Sanya, “Parang may moment, meron kaming (ni Jane) isang endorsement na pareho kami tapos du'n kami una (nagkakilala). Ang gaan niya kasama and kausap. Parang doon pa lang. Parang isang beses lang 'yun, pero parang feeling ko ang gaan na ng feeling ko sa kaniya.”

Dagdag pa ni Jane, tila sobrang close na nila noon ni Sanya “na parang ang tagal na nating nagchichikahan.”

Dahil dito, naging madali para sa dalawang aktres na gawin ang pelikula.

Alamin ang buong karanasan nina Sanya at Jane sa pakikipagtrabaho kina Jodi at Loisa sa gallery na ito:


Working together
Fears
Kapuso and Kapamilya
Magaan agad
Instant connection
Dynamics
Working together
Aligned
Stigma
Inner circle

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 14, 2026
Bato dela Rosa still in Senate after gunshot incident, PNP says
Pinagmamalaking kuhol dish ng Catanduanes, masarap kaya? | Pinas Sarap