Sanya Lopez, makikisaya sa 'Open 24/7!'

May Sang'gre na bibisita sa Open 24/7 this Saturday night!
Abangan ang special guest na maghahatid ng saya sa hit sitcom na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Jose Manalo, at Maja Salvador this week at ito ay walang iba kundi ang Sparkle leading lady na si Sanya Lopez.
Ano kaya ang dahilan kung bakit mapapadpad si Sanya sa convenience store ni Boss E.Z. (Vic Sotto)?
Mapapanood din sa Open 24/7 ang sweet love team nina Allen Ansay at Sofia Pablo. Ready rin magbigay ng good vibes sina Kimson Tan, Bruce Roeland, at Anjay Anson.
Heto ang pasilip sa nakaka-relax na episode ng Open 24/7 ngayong November 11 sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).




