Sarina Hilario, viral sa kanyang moving up ceremony

GMA Logo Sarina Hilario
Photo by: Sarina Oceanía Azores Hilario FB

Photo Inside Page


Photos

Sarina Hilario



Marami ang natuwa sa bagong achievement ng child content creator at anak ni Jhong Hilario na si Sarina Oceania!

Sa kanyang social media pages, proud na ibinahagi ng internet darling ang highlights ng kanyang moving up ceremony.

Bukod sa kanyang graduation look, nagningning din si Sarina sa natanggap niyang award bilang Most Active at Most Improved Student!

Kasama ang kanyang mga magulang at guro, tinanggap ng young influencer ang parangal na lalong ikinatuwa ng netizens.


Pero ang pinaka-viral na eksena? Nakatulog si Sarina habang nasa gitna ng programa!

Sa video, makikitang mahimbing ang tulog ng bata habang nakahiga sa mga upuan na para bang walang pakialam sa paligid.

"Tulog man sa inyong paningin, present pa rin!" caption ng post na agad pinusuan online.

Umani ng libo-libong views at reactions ang video. Napuno rin ng good vibes ang comment section na pati celebrities na sina Diana Zubiri at It's Showtime kid Argus ay nakisali sa kulitan online.

Patuloy mapapanood ang fun vlogs, challenges, at cute adventures ni Sarina sa kanyang social media pages at YouTube channel.

At syempre, makakasama pa rin si Jhong Hilario sa It's Showtime, tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, tingnan ang most adorable father-and-daughter moments nina Jhong Hilario at Sarina Oceania:


Jhong and Sarina Hilario 
Social media 
Travel 
Dance 
Singing 
Fun times 
Visit
Love 
Heartwarming 
maialevisterazores (IG)
Happy 
Poses 
Twinning 
Precious 
It's Showtime 

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026