Sassa Gurl's journey from being an internet star to movie star

Isa si Sassa Gurl sa mga pinakakilalang content creator at social media influencer sa bansa dahil sa kanyang mga nakakatawang content.
Mayroong siyang mahigit 8 million followers sa TikTok, kung saan niya ina-upload ang kanyang videos. Samantala, mayroon siyang mahigit 2.4 million followers sa Facebook at mahigit 400,000 followers sa Instagram.
Naging calendar girl na rin ang social media star ng isang liquor brand at na-feature ng mga local magazine. Bukod sa pagiging content creator, napanood na rin si Sassa Gurl sa telebisyon at pelikula.
Nakapanayam na siya ng award-winning journalist at GMA News pillar na si Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong 2022 at napanood pa sa “Auditorium” episode ng Halloween special na “Gabi ng Lagim X.”
Bumida rin ang content creator sa “Queen Brother” episode ng Regal Studio Presents kasama ang Sparkle actor na si Allen Ansay.
Bukod dito, napanood na rin si Sassa Gurl sa mga pelikula gaya ng The Entitled, na pinagbidahan ni Alex Gonzaga. Binigyang-buhay din ng actress-social media star ang role bilang Babe sa Cinemalaya 2024 film na Balota, na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Alamin ang journey ni Sassa Gurl mula sa pagiging social media influencer to movie star dito.













