Encantadia Chronicles: Sang'gre
SB19 Justin sa kanyang 'Sang'gre' scenes: 'Na-excite ako'

Nagkaroon ng preview ang SB19 member na si Justin de Dios para sa kanyang scenes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, na mapapanood na simula ngayong Lunes, September 29.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Justin kung paanong nakahinga siya nang maluwag matapos na mapanood ang ilan sa kanyang mga eksena sa Sang'gre.
"Nakakaginhawa ng pakiramdam kasi po hindi ako makahinga nu'ng teaser pa lang. 'Tapos iniisip ko, nag-o-overthink ako na, 'Okay ba 'yung acting ko? Hindi ba ako awkward,'" nakangiting sabi ni Justin.
Pagpapatuloy niya, "Pero nu'ng napanood ko na, na-excite ako, and may relief akong naramdaman."
Silipin ang ilang reaksyon ni SB19 Justin nang mapanood ang kanyang mga eksena sa Sang'gre rito:







