SB19, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa season finale ng 'Family Feud'

Masaya ang naging season finale ng trending weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang world class P-pop boy group na SB19 bilang celebrity guest players nitong Biyernes, June 10.
Sa nasabing finale episode, nahahati muna sa dalawang grupo ang SB19 members na sina Josh Cullen, Ken Suson, Stell Ajero, Justin de Dios, at Pablo Bagnas Nase.
Bukod sa pautakan sa hulaan ng top survey answers, nagpa-sample din ang SB19 ng kanilang hataw na dance moves sa kanilang viral hit song na “GENTO.”
Balikan ang mga naging kaganapan sa season finale ng Family Feud sa gallery na ito:












