SB19, wagi sa 37th Awit Awards

Patuloy ang paghakot ng music awards ng popular na P-Pop group na SB19 matapos muling parangalan ng Awit Awards.
Nakasungkit ng dalawang award ang grupo, na binansagang "P-Pop Kings," sa katatapos lang na awarding ceremony ng 3th Awit Awards na ginanap noong Miyerkules ng gabi, December 4, sa Music Museum sa San Juan City.
Wagi ang SB19 bilang Best Performance by a Group para sa kanilang hit single na "Gento." Nanalo rin ang "Gento" bilang Best Dance/Electric Recording.
Nagpasalamat naman ang banda sa Awit Awards para sa natamo nilang pagkilala.
"Salamat Awit Awards para sa mga karangalan. Kami ay walang sawang lilikha ng musika para sa lahat," sulat ng SB19 sa kanilang Facebook page na may 2.3 followers.
Binubuo ng SB19 ng limang miyembro na sina Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin.
Dalawa sa mga miyembro nito na sina Pablo at Stell ay napapanood sa GMA musical competition na The Voice Kids bilang coaches.
NARITO ANG IBA PANG CAREER HIGHLIGHTS NG SB19:





















































