Scenes ng Star of the New Gen at '90s Star of the New Decade, tumagos sa puso ng viewers

Sa GMA's top-rating na Abot-Kamay Na Pangarap, nakaeksena ng Star of the New Gen na si Jillian Ward ang tinaguriang Star of the New Decade noong 90s na si Manilyn Reynes.
Natunghayan ang ilang naunang intense scenes nina Jillian at Manilyn na talaga namang nakapagpakaba sa viewers.
Si Jillian ang bida sa naturang serye at ginagampanan niya rito ang karakter ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn.
Napapanood naman si Manilyn bilang si Melba, isang babaeng may matinding pinagdaanan sa buhay na pasyente sa Eastridge Medical Hospital.
Silipin at balikan ang ilang mga eksenang tumagos sa puso ng viewers sa gallery na ito.














