Scenes ni Mark Prin sa 'My Husband in Law,' patok sa viewers

Kinagigiliwan sa social media ang kilalang Thai actor na si Mark Prin.
Napapanood si Mark sa 2020 Thai romantic comedy drama series na My Husband in Law na kasalukuyang ipinapalabas ngayon sa GTV.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan ang ilang makulit na side ng kanyang karakter na si Tien. Napanood din ang eksena kung saan isang lalaki ang tila gustong manligaw sa asawa ni Tien na si Moi, ang karakter naman ni Mew Nittha Jirayungyurn.
Sa naturang eksena, muntik nang hindi mapigilan ni Tien ang kanyang sarili dahil sa sobrang galit at pagseselos.
Naramdaman ng viewers ang panggigigil ni Tien sa lalaki na sa kanya pa mismo ipinapaabot ang dala nitong bulaklak para kay Moi.
Ilang viewers at fans ang napa-react at napa-comment sa mga eksena ni Mark Prin sa serye.
Patuloy na subaybayan ang My Husband in Law, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes, 11:25 p.m. sa GTV.
BUKOD KAY MARK PRIN, NARITO ANG ILAN PANG THAI STARS NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA:



























