Sean Lucas, Cheska Fausto, handang pumasok sa Bahay ni Kuya dahil kay Vince Maristela

Dahil sa karanasan ng kanilang 'Trggrd' co-host na si Vince Maristela sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, handa raw sina Cheska Fausto at Sean Lucas sumabak bilang housemates sa loob ng Bahay ni Kuyakung mabigyan ng pagkakataon.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 31, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang pakiramdam ni Vince, na may bagong mga kaibigan mula sa 'PBB.' Tinanong din ng batikang host kung okay lang ba kina Cheska at Sean na may iba nang mga kaibigan ang kanilang co-host.
Sagot ni Cheska, “Yeah, of course.”
Sabi naman ni Sean, “Siyempre, opo.”
Sa parte naman ni Vince, nag-aantay lang daw siya nang tamang timing para ipakilala ang kaniyang podcast co-hosts sa kanyang 'PBB' housemates.
“Nag-aantay na nga lang po ako ng timing na ipakilala ko din po sila sa mga bago kong kaibigan na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya,” sabi ni Vince.
Kaya naman, tanong ni Boy kina Chesca at Sean, “Given the chance, would you enter the house?”
Mabilis na sagot nina Cheska at Sean, “Yes.”
Tingnan sa gallery na ito kung paano nakatulong si Vince sa pagiging interesado nina Cheska at Seanna pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya:









