Sef Cadayona, nalagpasan ang depresyon dahil sa anak na si Anya at kaniyang Lola Meng

Aminado ang aktor at komedyante na si Sef Cadayona na umabot na siya sa puntong gusto na niyang sukuan ang lahat dahil sa depresyon. Ayon sa aktor, sa paghinto niya panandalian mula sa show business, pakiramdam niya ay marami siyang nabigo.
“Parang feeling ko I keep on disappointing my parents, especially that it was them who helped me build and reach for my dream,” sabi ni Sef sa November 14 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
“And then there was a difficulty with of course, finances and everything, [I was] trying to make ends meet. [I was] taking [on] jobs, which I am proud of, kasi trabahong hindi ko nagawa, pero para kay Anya tsaka para sa pamilya ko, gagawin ko,” pagpapatuloy ng aktor.
Ngunit pagbabahagi ni Sef, ang kaniyang anak na si Anya at lola niyang si Lola Meng ang humila sa kaniya mula sa depresyon.
Alamin ang kuwento ni Sef sa gallery na ito:









